Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang dismissal mula sa government service sa isang Customs Operations Officer na napatunayang liable sa serious dishonesty.
Ito ay dahil sa pagsisinungaling sa kanyang annual Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ayon sa Appelate Court, partikular na nabigo si Miriam Casurayan, Customs Operations Officer III ng Bureau of Customs (BOC), sa pitong beses na hindi nito pagdedeklara ng kanyang house and lot sa SALN sa San Jose Del Monte, Bulacan na nabili nito noong 1998.
Ibinase ng Court of Appeals ang desisyon nito sa ginawang imbestigasyon ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS), na anti-corruption arm ng Department of Finance (DOF).
Bukod sa pagsibak sa serbisyo kay Casurayan, kinansela rin ng korte ang kanyang civil service eligibility.
Disqualified na rin siya sa pagkuha ng Civil Service Examinations, wala na rin siyang matatanggap na retirement benefits at hindi na siya maaaring magtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno.