Pagsibak sa opisyal ng PACC na nagpapaimbestiga kay VP Leni, suportado ng isang senador

546

Nagpasalamat si Senator Sherwin Gatchalian sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Anti-Corruption Commission o PACC Commissioner Manuelito Luna.

Ito ay makaraang imungkahi ni Luna sa National Bureau of Investigation o NBI na imbestigahan si Vice President Leni Robredo dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19.


Para kay Gatchalian, ang ginawa ni Luna ay nagpapakita ng pagiging sipsip at pamumulitika sa panahon ng krisis.

Kaya naman diin ni Gatchalian, hindi kailangan sa gobyerno ang mga taong katulad ni Luna.

Facebook Comments