Pagsibak sa puwesto ng hepe ng Nasugbu, Batangas, walang kaugnayan sa iregularidad sa trabaho

Inalis sa puwesto ang hepe ng Batangas Police na si Lt. Col. Reynaldo Domelod.

Sa impormasyon ni PLt. Col. Chit Gaorian Spokesperson ng Police Regional Office 4A sa Kampo Krame, sinabi nito na pinalitan si Domelod ni PMaj. Nemecio Calipjo Jr. na magsisilbing Officer-in-Charge ng Nasugbu Police.

Aniya walang kinalaman sa bigong operasyon sa isang Canadian national na iniuugnay sa iligal na droga ang pag-alis sa puwesto kay Domelod.


Matatandang noong nakaraang linggo bigo ang Nasugbu Police na matagpuan sa ni-raid na bahay sa Nasugbu ang sinasabing Canadian national na konektado sa nasabat na 1.4 tons na shabu sa Alitagtag, Batangas nuong isang Linggo.

Facebook Comments