Pagsibak sa pwesto ng 35 Davao City police, bahagi ng due process – PNP Chief Marbil

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na bahagi ng proseso ang pag-alis muna sa pwesto sa tatlumput limang pulis sa Davao City.

Matatandaang sinibak sa pwesto ang mga pulis kabilang ang kanilang chief of police dahil sa serye umano ng drug related killings matapos magdeklara ng drug war si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Ayon kay Marbil, layon nitong masiguro na magiging patas ang pagsisiyasat.


Kung wala naman aniyang problema at mapapatunayang hindi sila sangkot sa drug related killings ay makababalik din ang mga ito sa tunglulin.

Una nang kinondena ni Duterte ang naging desisyon ng liderato ng PNP at iginiit na pang-aabuso sa kapangyarihan ang pag-alis sa pwesto sa 35 Davao City police.

Facebook Comments