Pagsilip sa umano’y korapsyon sa DA, welcome sa ahensya

40

Walang nakikitang problema ang Department of Agriculture (DA) sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sunod niyang ipapasilip sa Department of Justice (DOJ) ang umano’y korapsyon sa ahensya.

Ayon kay Undersecretary Ariel Cayanan, welcome sa kanila ang anumang gagawing imbestigasyon upang maipagtanggol din nila ang ahensya sa mga malisyoso at mapanirang alegasyon.


Aniya, kaisa ang DA sa hangarin ng Pangulo na linisin ang mga ahensya sa katiwalian.

Kabilang sa mga sumbong na nakakarating sa Pangulo ay ang umano’y pananamantala ng ilang mga negosyante sa mga magsasaka dahil sa paluging presyo ng aning palay.

 

Facebook Comments