𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗦

Ikinababahala ng ilang Agricultural groups maging negosyante ng bigas ang posibleng pagsipa sa presyo ng bigas na aabot umano sa P60 kada kilo sa susunod na buwan.
Bunsod ito ng nakikitang mababang suplay ng bigas kahit pa nasa panahon ngayon ng harvest season ang mga magsasaka.
Maging ang farm gate price tulad ng palay ay isa rin sa nakikitang salik bakit kasalukuyang nararanasan na sa merkado ang pagtaas sa presyo nito.

Sa Dagupan City, halos pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas ay nasa 47 to 48 pesos na dati ay nasa 45 pesos lamang.
Inaasahan ng mga mamimili sa lungsod na hindi na muling aabot ang presyuhan nito sa singkwenta pesos dahil malaking gastusin na raw iyon lalo na at paparating na ang holiday season.
Samantala, inihayag ng Department of Agriculture o DA na hindi dapat umano humigit sa P48 ang presyo sa kada kilo ng locally-milled rice. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments