Pagsira sa ₱6-B halaga ng nakumpiskang mga iligal na droga, makapagliligtas ng libu-libong buhay ayon sa DILG

Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na sa libu-libong buhay ang tiyak na nailigtas sa tiyak na kapahamakan sa ginawang pagsira o pagwasak sa mahigit ₱6 na bilyong halaga ng iligal na droga.

Sinabi ni Abalos na ang nangyaring pagsira ay isang mensahe na seryoso ang gobyerno laban sa iligal na droga.

Magugunita na ang 247 kilo ng shabu ay nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP).


Kabilang din sa sinunog ng pamahalaan ay nasa 206 na kilograms ng shabu extender na narekober ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Mabalacat, Pampanga.

Pinapurihan din ng kalihim ang pagsusumikap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National (PNP) at NBI sa nagpapatuloy na mga kampanya laban sa mga sindikato ng iligal na droga.

Facebook Comments