Pagsirit ng kaso ng COVID-19, hindi lamang sa Pilipinas nangyayari – Malacañang

Marami pa ang kailangang gawin para sa pandemic response.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos sumipa sa halos 900,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinaiigting ng gobyerno ang testing, tracing, isolation, treatment at vaccination.


Sa tracing, pinakalas ng pamahalaan ang paggamit ng official contact tracing app na StaySafe.PH system.

Lumawak pa ang contact tracing efforts sa pamamagitan ng text messaging system at pag-deploy ng 27,262 contact tracers sa NCR plus bubble.

Sa isolation, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay patuloy na itinatayo ang mga pasilidad at mobile hospitals.

Sa treatment, itinatag ang One Hospital Command para mapagsilbihan ang mga pasyenteng nangangailangan ng hospitalization.

Sa vaccination, ang Pilipinas ay nakapagturok na ng higit isang milyong COVID-19 vaccines at ikatlo sa pinakamataas na vaccine rollout sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Iginiit din niya na hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas ng ganitong pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Palagi aniyang may masasabi at mapupuna ang mga kritiko ng administrasyon.

Nakiusap din si Roque sa publiko na gawin din ang bahagi nito para malampasan ang pandemya.

Facebook Comments