Pagsisi sa Senado sakaling ma-delay ang pagpasa ng proposed 2021 budget, hindi katanggap-tanggap

Hindi katanggap-tanggap para kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang Senado ang dapat sisihin sakaling hindi maipasa sa takdang panahon ang proposed 2021 national budget.

Ayon kay Cayetano, isang araw lang at hindi isang buwan na-delay ang pagtalakay sa budget.

Giit ni SP Sotto, ang lakas ng loob ni Cayetano na ibunton ang sisi sa Senado gayong dahil sa agawan sa House Speakership ay hindi naipasa ng Kamara sa third at final reading ang budget bago mag-break ang plenary session ng October 17.


Ipinaliwanag ni Sotto na kung nakatupad ang Kamara sa timetable, sana ay maita-transmit na nito sa Senado ang budget para sa pagpapatuloy ng session sa November 16, 2020 ay kanila nang masimulan ang plenary deliberations para rito.

Pero ayon kay Sotto, ang plano ni Cayetano sa halip na October 14 ay sa November 16 pa nila ipapasa sa final reading ang budget at baka sa huling linggo pa ng Nobyembre ito makarating sa Senado.

Diin ni Sotto, malinaw na dinelay ng House of Representative ang pag-usad ng panukalang pambansang budget sa susunod na taon kaya walang sinuman at hindi kailanman maaaring sisihin dito ang Senado.

Facebook Comments