Pagsisimba sa Quiapo church, niluwagan na

Ikinatuwa ng mga deboto ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang pagdadag ng kapasidad ng mga maaring pumasok sa loob ng simbahan.

Ito ay matapos itaas sa 700 ang indoor capacity ng simbahan kung kaya’t halos walang deboto sa Plaza Miranda dahil nasa loob ng basilica ang lahat ng naki-misa.

May physical distancing pa rin sa mga upuan pero pinapayagan na ang mga nakatayo para mas marami ang makapasok sa naturang simbahan.


Maliban dito ay may markings ding sinusundan ang mga nakatayong deboto upang masunod ang safety protocols.

Gayunpaman ay tanging ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 lamang ang maaaring pumasok sa simbahan.

Matatandaang hinigpitan ang pagpasok ng mga deboto sa loob ng simbahan noong nakaraang buwan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 na dulot ng Omicron variant.

Facebook Comments