Pagsisimula ng 7AM-4PM Adjusted Work Schedule para sa Metro Manila LGUs, pinagpaliban sa May 2

Inanunsyo ng Metro Manila Council na hindi muna sisimulan sa Lunes, April 15 ang implementasyon ng 7am to 4pm new work schedule para local government units (LGUs) sa Metro Manila.

Sa halip, sisimulan ang pagpapatupad nito sa May 2, para magkaroon ng sapat na oras ang NCR LGUs sa transition ng adjusted work hours.

Kumpiyansa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may positibong impact sa daloy ng trapiko sa Metro Manila ang naturang sistema.


Ito ay lalo na’t kalahating milyong government employees ang nagko-commute.

Wala ring balak ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palitan ang pinaiiral na number coding scheme.

Facebook Comments