Eksaktong alas-6:00 ng umaga nang mag-umpisa ang botohan dito sa Jose Rizal Elementary school, Park Avenue, Pasay City.
Wala naman naging problema sa pagbubukas ng halalan dahil madaling nakikita ng mga botante ang kanilang mga pangalan sa voter’s list.
May mga tauhan din ng Parish Pastoral Council for Responsible voting ang umaasiste sa mga botante kung saan sila magtutungong presinto.
Habang ang mga nakatatanda, may kapansanan at mga buntis ay sa baba lamang ng paaralan bumoboto para sa emergency accessible polling place nang sa gayun ay hindi na sila mahirapang umakyat para hanapin ang kanilang mga presinto at upang makaboto.
Sa kabuuan mayroong 9,680 registered voters mula sa 11 barangay ng district 1 ng Pasay City ang boboto dito sa 15 clustered precinct ng nasabing paaralan.
Samantala, bantay sarado din ang Jose Rizal Elementary school ng mga tauhan ng Philippine National Police.