
Kasado na sa Lunes, August 18 ang pagsisimula ng deliberasyon ng Kamara hanggang October 10 para sa panukalang 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793-trillion.
Inihayag ito ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing matapos ang organizational meeting na ginawa nila ngayong araw.
Ayon kay Suansing, sisimulan ang pagtalakay sa budget sa pamamagitan ng briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC at masusundan ito ng araw-araw na budget hearings hanggang September.
Binanggit ni Suansing na maglalaan din ang komite ng isang araw para sa people’s budget review kung saan may pagkakataon ang civil society organizations at iba pang grupo na maglatag ng tanong at suhestyon patungkol sa budget.









