Cauayan City, Isabela- Ipinagpaliban ang pagsasagawa ng 2020 census of population and housing ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Ginoong Julius Emperador, Chief Statistical Specialist, may ilan kasing bayan sa probinsya ang nakiusap na suspindehin muna ito dahil sa mataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus sa kani-kanilang nasasakupan.
Kinabibilangan ito ng bayan ng Alicia matapos makiusap sa ahensya na ipagpaliban ang pagsisimula ng census simula September 1 hanggang 13 dahil sa local transmission.
Dagdag pa ni Emperador, may mga barangay naman sa lungsod ng cauayan ang hindi rin nasimulan ang pagsasagawa ng census population dahil sa napaulat na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Batay pinakahuling 2015 census population data, mayroon ng mahigit 1.5 million populasyon ang buong lalawigan ng Isabela at maaari pa itong madagdagan dahil sa growth rate na 1.25%.