Pagsisimula ng ICC sa imbestigasyon sa “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo Duterte, welcome sa ilang kongresista

Pinaaabanduna ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga legal tactics nito sa pag-iwas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong “war on drugs”.

Welcome kay Zarate ang deklarasyon ni ICC Prosecutor Karim Khan na sisimulan na ang impartial investigation ng mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Duterte.

Layon ng imbestigasyon na masiwalat ang katotohanan at mapanagot ang mga nasa likod ng pagmamalabis sa war on drugs.


Maging ang prosecutor ay inihayag din ang posisyon ng ICC pre-trial chambers na pananatilihin ang hurisdiksyon sa mga krimeng nangyari bago pa man nag-withdraw sa ICC si Pangulong Duterte.

Naniniwala si Zarate na ito ay nararapat lamang at tamang posisyong legal dahil ang mga kriminal ay hindi dapat makatakas sa pananagutam sa “crime against humanity” kahit pa nag-withdraw ang bansa sa korte.

Facebook Comments