Muling nanindigan ang Department of Education (DepEd) na tuloy na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa August 22.
Ito ay sa kabila na sumampa na sa 427 ang napinsala na mga paaralan ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra at mga kalapit na lalawigan noong Hulyo 27.
Sa joint presscon ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd, sinabi ni Education Spokesperson Atty. Michael Poa na naghahanap na ang kanilang ahensya ng pondo para sa mabilis na pagsasa-ayos ng mga paaralan na nasira dahil sa lindol.
Ayon kay Poa, tinatayang nasa P2.1 bilyon ang kakailanganing pondo para sa pagpapatayo ng mga naturang paaralan.
Dagdag pa ni Poa, tinitingnan ng DepEd ang pagtatayo ng “temporary learning spaces” o “tent-style” makeshift classrooms para sa mga nasirang paaralan.
Kaya naman, kinumpirma ni Poa na inaayos na ng DepEd ang pondo para sa pagtatayo ng mga learning spaces.
Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na muna sila sa mga opisyal ng barangay sa paggamit ng basketball court bilang pansamantalang classroom para sa mga lugar na apektado ng lindol.
Pero, sinabi ni Poa na ang mga paaralan ay maaari ding magpatupad ng distance learning modalities kung ang DepEd ay hindi kaagad makapagbigay ng mga pansamantalang espasyo sa pag-aaral.
Sa ngayon ay umaabot na sa 15.2 milllion na mga estudyante ang nakapag-enroll na sa buong bansa