Pagsisimula ng klase sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto, pinayagan na ng DepEd; pero face-to-face classes, bawal muna

Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan sa buong bansa na simulan ang kanilang klase sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto.

Pero ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, bawal muna ang face-to-face classes hanggang bago mag-Agosto 24 na siyang opisyal na pagsisimula ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Hindi rin ito nangangahulugan na pwede nang magkaroon ng face-to-face activities dahil nag-iingat pa rin ang DepEd sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.


Magpapatupad din ang ahensya ng iba’t ibang learning delivery options gaya ng face-to-face blended learnings, distance learnings, homeschooling at iba pang modes of delivery.

Pero nakadepende pa ito sa local COVID risk severity classification at sa pagtalima sa minimum health standards.

Samantala, inilabas na ng DepEd ang guidelines para sa mga nagpaplanong magsagawa ng summer classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Base sa memorandum, ang mga remedial, enrichment, at advancement classes para sa Summer 2020 ay dapat magsimula sa May 11 at magwawakas makaraan ang six-week period kasama na ang Sabado.

Dapat din manaig ang distance learning modality sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments