Pagsisimula ng La Niña sa bansa, mino-monitor na rin ng DOE kasabay ng pagsasaayos sa ilang plantang pumalya at nagka-aberya noong panahon ng El Niño

 

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Energy (DOE) ang pagsisimula o transition ng La Niña o tag-ulan sa bansa.

Ito’y kasabay na rin ng ginagawa nilang pagsasaayos sa ilang planta na pumalya at nagkaaberya sa gitna naman ng El Niño phenomenon at naging epekto ni Bagyong Aghon.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno upang mapadali ang “napapanahong pag-apruba” ng mga kinakailangan sa regulasyon para sa pagkumpleto ng mga pasilidad ng kuryente.


Giit din ni Marasigan, kahit pa umano inaasahan na ang paglamig ng panahon ay hindi pa rin sila nakakampante dahil sa pagtaas ng demand ng kuryente ng bawat household.

Pinaalalahanan naman ng DOE ang mga power generation company na sundin ang Grid Operating and Maintenance Program upang maabot ang target na operasyon nito.

Umaasa naman ang ahensya na sa Visayas at Mindanao grid ay magkakaroon ng “normal” na antas ng reserba ng enerhiya sa ikalawang quarter ng taon kasunod ng contingecy plan na nakalatag sa mga proyekto.

Facebook Comments