Nananatiling matiwasay ang pagsisimula ng kampanya sa lokal na posisyon ngayong araw.
Ayon kay Major General Vicente Danao, hepe ng PNP-Directorial Staff, sa ngayon ay wala naman silang nakikitang problema o banta na maaaring makagulo sa gagawing halalan sa mayo.
Una nang nagpakalat ang National Capital Region Police Office ng 4,000 tauhan para matiyak na magiging mapayapa ang pagsisimula ng local campaign period.
Tiniyak din ng Philippine National Police na paiigtingin nito ang kanilang pagbabantay sa posibleng paglabag ng mga kandidato at kanilang mga taga-suporta.
Pinaalalahanan naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga kandidato na huwag gagamit ng government resources sa kanilang pangangampanya.
Facebook Comments