Nanatiling payapa at maayos ang ginagawang pangangampanya ng mga local candidates sa buong bansa na nagsimula ngayong araw kaugnay sa gaganaping midterm election sa Mayo.
Ito ang initial security assessement ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac mayroon silang namonitor na mga minor o isolated incidents kaugnay sa local campaign period pero hindi ito nakaapekto sa seguridad.
Nanatili aniyang payapa dahil sa tulong na rin ng inilatag na seguridad ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Banac na ang PNP at AFP ay nagdeploy ng mga tauhan sa respective areas of security concern at anumang oras ay magreresponde kung kakailanganin na magtatagal ang deployment hanggang sa matapos ang May 13 2019 midterm election sa bansa.