Pagsisimula ng pagbibigay ng booster shots sa mga health worker, pinaplano na ng gobyerno

Pinaplano na ng National Task Force Against COVID-19 ang pagsisimula ng pagbibigay ng booster shots sa mga health workers sa bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. target itong maisakatuparan sa unang bahagi ng 2022.

Pinaplano namang unahin sa pagbibigay ng ikatlong dose ng bakuna ang mga health workers na nabakunahan noong Marso at Abril.


Pero gayunman, sinabi ni Galvez na kailangan pa itong aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

Facebook Comments