Pagsisimula ng pagtalakay ng Kamara ukol sa Cha-Cha, ikinabahala ng Kabataan Partylist

Nababahala ang Kabataan Partylist sa pag-uukol ngayon ng atensyon ng Mababang Kapulungan sa mga panukalang baguhin ang 1987 Constitution.

Pahayag ito ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel sa harap ng ikinasang pagdinig ngayong araw ng Committee on Constitutional Amendments ukol sa mga panukalang Charter Change o Cha-cha.

Pangunahing pinapalagan ng Kabataan Partylist ang isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon para mapahaba ang termino ng mga inihalal na opisyal sa bansa.


Kabilang dito ang termino ng Presidente, Vice President, mga miyembro ng House of Representatives, at mga local government official.

Bunsod nito ay nananawagan si Manuel sa mga kabataang Pilipino na tutulan ang nasabing panukala na para lang sa pansariling intres ng mga halal na opisyal sa bansa.

Facebook Comments