PAGSISIMULA NG PANAHON NG HANGING AMIHAN, OPISYAL NANG IDINEKLARA NG PAGASA KAHAPON

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng hanging amihan o onset northeast monsoon season.
Kahapon ng hapon nang ideklara ito ng PAGASA kung saan umpisa nang mararanasan sa mga susunod na linggo ang malamig na panahon na nagmumula sa mainland ng bansang Siberia na nakakapasok na sa bansa.
Ayon sa PAGASA, naobserbahan ang unti-unting paglamig ng temperatura ng ibabaw ng hangin sa hilagang-silangang bahagi ng Luzon at pagtaas ng mean sea level pressure.

Ang mga meteorological pattern na ito ay nagpapahiwatig ng pagsisimula ng Northeast Monsoon (Amihan) season sa bansa.
Samantala, sa patuloy na El Niño, may mas mataas na posibilidad na kakaunti na ang pag-ulan na nagreresulta sa minsang tagtuyot na maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa ibang lugar gaya ng iba’t ibang sektor na sensitibo sa klima tulad ng yamang tubig, agrikultura, enerhiya, kalusugan, kaligtasan ng publiko, at iba pang pangunahing sektor sa bansa.
Patuloy na babantayan ng PAGASA ang lagay ng panahon at klima ng bansa.
Pinapayuhan ang publiko na regular na subaybayan ang mga ulat sa panahon.
Kahapon naitala ng PAGASA Dagupan ang 49 degree Celsius na temperatura sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments