Pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, idineklara na ng PAGASA-DOST

Inanunsyo na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, Officer-in Charge ng PAGASA, ang nararanasang kalat-kalat na thunderstorms, ang pagpasok ng Super Typhoon Betty at ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat sa nakalipas na araw ay nagdala ng pag-uulan sa western sections ng Luzon at Visayas.

Ito ay hudyat na nang pagpasok ng rainy season sa bansa partikular sa mga Climate Type I areas.


Maari din umanong magkaroon ng monsoon breaks na pwedeng magtagal lang ng ilang araw.

Facebook Comments