Pagsisimula ng plebisito sa Mindanao nanatiling payapa – AFP, PNP

Payapa ang pagsisimula ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa ilang lugar Mindanao.

Ito ang initial security assessment ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana naging smooth o maayos ang pagsisimula ng plebisito at hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling payapa.


Mas naging alerto at mahigpit naman aniya sa kanilang hanay ang mga ide-deploy sa mga polling centers matapos ang naganap na pagsabog kagabi sa Cotabato City.

Maging sa monitoring ng AFP nanatiling payapa ang plebosito hanggang sa mga oras na ito.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato na wala silang namo-monitor na gulo may kaugnayan sa plebisito at magpapatuloy aniya ang kanilang monitoring.

Una nang ideneploy sa Mindanao ang 10,000 pulis at 10,000 sundalo para magbigay ng mas mahigpit na seguridad upang matiyak lamang na magiging payapa ang plebisito.

Facebook Comments