Pagsisimula ng Ramadan sa Maynila, bantay-sarado ng mga pulis

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa pagsisimula ng Ramadan ngayong araw sa lungsod ng Maynila.

Nagtalaga ng sapat na tauhan ang MPD sa lahat ng mga Mosque sa buong lungsod para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

Hangad rin ng MPD at ng mga kapatid nating Muslim na masunod ang mga patakaran sa ipinapatupad na minimum health protocols.


Kaugnay nito, maaga pa lamang ay dumagsa sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila ang mga kapatid nating Muslim para magdasal.

Ito rin ang simula ng isang buwan nilang pagfa-fasting o pag-aayuno kasabay ang tradisyong pagdarasal limang beses sa loob ng isang araw.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na makakapasok ulit sila sa Golden Mosque para sa Ramadan makaraang hindi sila payagan noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments