Hindi kumbinsido ang medical consultant ng National Task Force Against COVID-19 na maaari nang simulan sa Oktubre ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 anyos.
Kasunod ito ng sinabi ni Department of Heatlh (DOH) Usec. Myrna Cabotaje na pinaplantsa pa ng mga eksperto ang mga operational guidelines para masigurong magiging ligtas ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, kailangan munang mabakunahan ang eligible population bago umarangkada ang bakuna para sa mga kabataan.
Suportado naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang sinabi ni Dr. Herbosa at sinabing marami pang hindi nababakunahan, kaya kailangang ikonsidera na unahin muna ang eligible groups.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na rekomendasyon ang DOH ukol sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.