Pagsita ng China sa eroplanong sinasakyan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana papuntang Pag-Asa Island, pinalagan ng pamahalaan

Manila, Philippines – Pumalag si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagsita ng China sa eroplanong sinasakyan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana papuntang Pag-Asa island.

Ayon kay Esperon, may sinusunod na mga protocol sa mga ganitong sitwasyon.

At kung talagang masama aniya ang ipinakita ng China, posibleng maghain ang pamahalaan ng note verbale.


Paliwanag pa ni Esperon, kapag kasi may challenge ay posibleng mangahulugan ito na pinupursige ng China ang paniwalang sa kanilang ang teritoryo.
Nation

Facebook Comments