Pagsu-supply ng tubig sa mga irigasyon sa Pampanga at Bulacan, sususpendihin muna

Tuluyan ng ihihinto sa ikalawang linggo ng Mayo ang pagsusuplay ng tubig para sa mga irigasyon sa Pampanga at Bulacan.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Dr. Sevillo David Jr., ito ay para bigyan ng prayoridad ang supply ng tubig sa Metro Manila lalo at patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Aniya, panahon na rin naman na ngayon ng anihan kaya hindi na masyadong kailangang ng tubig sa mga taniman.


Facebook Comments