Pagsugpo sa cybercrime, pinatututukan ni PBBM sa mga bagong heneral ng PNP

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga bagong heneral ng Philippine National Police (PNP) ang pagsugpo sa cybercrime sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang krimen ay hindi lamang nangyayari sa mga komunidad kundi pati na rin sa cyberspace na nagiging banta sa paglago ng bansa.

Karaniwan aniyang binibiktima ng cyber criminals ay mga inosenteng mamamayan, tulad ng electronic pickpoketing at iba pang uri ng pagnanakaw na gamit ang internet.


Dahil dito, iniutos ng Pangulo na palakasin ang pagsisikap sa anti-cyber crime at gawing tuloy-tuloy ang pagsasanay ng mga kapulisan pagdating sa cybersecurity.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos ang suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas sa kakayahan at kapakanan ng lahat ng PNP personnel.

Facebook Comments