Pagsugpo sa cybercrimes, planong unahin ng bagong upong director ng NBI

Inihayag ng bagong upo na National Bureau of Investigation (NBI) Director na si Jaime Santiago na una niyang tututukan nang cybercrimes.

Ito’y dahil sa rami o sunod-sunod na insidente ng mga scam.

Aniya, napapanahon na para sugpuin ang iligal na gawain at tugisin ang mga nasa likod nito.


Dagdag pa ni Santiago, nais niyang palakasin at pagandahin ang serbisyo ng NBI.

Hangad din ng bagong upong director na maibalik ang tiwala ng publiko sa NBI kung saan sisimulan ni Santiago ang trabaho sa darating na Martes.

Makikipagpulong din siya sa dating director ng NBI na si Medardo De Lemos para sa maayos na paglipat sa pamunuan at makausap ang ilang opisyal nito.

Facebook Comments