Tinututukan ngayon ng Blas Ople Policy Center ang kampanya laban sa human trafficking sa mga Pilipino.
Partikular na tinukoy ni dating Labor Undersecretary Susan Ople ang tumataas na bilang ng mga Pinay workers na nabibiktima ng illegal recruiters na aniya’y kadalasang nabibiktima ng pagmaltrato sa ibayong dagat.
Nababahala rin si Ople sa tumataas na kaso ng pagmaltrato sa mga kababaihang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Aniya, sa hanay ng migrant workers, ang mga kababaihan ang vulnerable sa pang-aabuso.
Isinisi naman ito ni Thetis Mangahas, dating Deputy Regional Director ng International Labour Organization sa mga paglabag sa recruitment laws sa bansa.
Sa ngayon, isang research study ang isinusulong ng grupo ni Ople na naglalayong makabuo ng rekomendasyon hinggil sa kung paano mawawakasan ang human trafficking lalo na sa mga kababaihan.