Pagsuko ng 3 mga dating police officers na sangkot sa pagkawala ng isang sabungero, maituturing na breakthrough sa kaso

Welcome development ang ginawang pagsuko ng 3 mga dating police officers na idinadawit sa pagkawala ni E-sabong Master Agent Ricardo Lasco sa San Pablo City, Laguna noong Augosto 30, 2021.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., maituturing itong breakthrough sa kaso ng mga missing sabungeros lalo na kung makikipagtulungan ang mga ito sa awtoridad.

Aniya, dapat sabihin ng mga dating pulis ang buong detalye sa pagkawala ni Lasco upang matukoy kung sino ang mastermind sa krimen.


Matatandaang kamakailan lamang sumuko sa mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang mga akusadong sina dating Patrolmen Rigel Brosas, Roy Navarete at ex- S/Sgt. Daryl Paghangaan.

Sa ngayon ani Azurin, hawak na ang mga ito ng mga awtoridad at na-dismiss na rin sa serbisyo kung saan nahaharap sila sa mga kasong robbery, kidnapping at serious illegal detention.

Facebook Comments