Pagsuko ng kontratistang si Sarah Discaya sa NBI, indikasyon na unti- unti nang nababawi ang perang ninakaw sa taumbayan—ICI

Ikinatuwa ng Independent Commision for Infrastructure (ICI) ang personal na pagsuko ng kontratistang si Cezarah Rowena Discaya.

Ito’y matapos na magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) kahit na wala pa mang warrant of arrest.

Ayon sa ICI, panahon na para mabawi ng taumbayan ang perang dapat ay pinakinabangan at nagamit sa pagpapaganda lalo na sa isyu ng pagbaha dahil sa palyang mga proyekto bunsod ng korapsyon.

Giit pa ng komisyon, hindi pa umano natatapos rito dahil patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III na patunay ang pagsuko ni Discaya na wala itong balak magtago sa batas.

Kinumpirma rin niya ang pagsuko ni Roma Rimando ng Discaya-owned St. Timothy Corp. sa Chief of Police ng Pasig City Police Station matapos isauli ang pasaporte nito sa mga awtoridad.

Facebook Comments