Pagsuko ng mga sangkot sa flood control projects na may kinakaharap na warrant of arrest, panawagan ng liderato ng Kamara

Nanawagan si House Speaker Faustino “Bodjie” Dy III na sumuko na ang mga sangkot sa maanumalyang flood control projects na may kinakaharap na warrant of arrest, kabilang si dating Congressman Elizaldy Co.

Mensahe ito ni Dy makaraang ibalita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pito sa may warrant of arrest ang nasa kustodiya na ng mga awtoridad, dalawa ang nakahandang sumuko, at pito pa ang nananatiling at large kasama si Co.

Suportado ni Dy ang panawagan ni Pangulong Marcos na makipagtulungan at sumuko ang lahat ng sangkot.

Paalala pa ni Dy, may pananagutan sa batas ang sinumang nagkukubli o humahadlang sa pag-usad ng mga hakbang na ito.

Diin ni Dy, dapat igalang ang proseso at suportahan ang mga institusyong may tungkuling alamin ang buong katotohanan upang managot ang dapat managot at makamit ang tunay na hustisya para sa ating mga kababayan.

Facebook Comments