Pagsuko ng Tinaguriang Lider ng CPP-NPA-NDF sa Mt. Province, Ikinatuwa ng Kasundaluhan

Cauayan City, Isabela- Ikinatuwa ng kasundaluhan ang pagsuko ng isa sa mataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bahagi ng Kin-iway, Besao, Mountain Province nitong Huwebes, Hunyo 4.

Kinilala ang sumuko na si Anne Margarette Tauli, dating miyembro ng Executive Committee at Secretary ng Regional White Area Committee of the Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).

Ayon kay BGen. Henry Doyaoen, pinuno ng 503rd Infantry Battalion, malaki aniya ang naging partisipasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagsuko sa gobyerno ng nasabing lider.


Giit pa ni Doyaoen, si Tauli ay kumukupkop ng iba pang mga lider ng rebeldeng grupo na nagsasagawa ng operasyon sa bahagi ng Besao, Mountain Province.

Nabatid na ang sumukong si Tauli ay kasama sa alumni ni Sec. Esperon sa paaralan noong sila ay nag-aaral pa sa sekondarya.

Nagpaabot ng tulong si Tauli sa CPP-NPA Military Commissioner na si Julius Soriano Giron at dalawang kasamahan pa nito habang pinangasiwaaan naman ang pagsuko ni Tauli ng knayang kapatid na dating UN Special Rapporteur Victoria Tauli-Corpuz

Nananawagan naman si BGen. Doyaoen sa publiko partikular sa bahagi ng liblib na probinsya gaya ng Mountain Province na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno para mapasuko ang mga rebeldeng grupo.

Malaki aniya ang ambag ng publiko sa pagbabahagi ng impormasyon para tuluyan ng mawakasan ang insurhensiya sa bansa at huwag iwasan ang palilinlang ng nasabing mga grupo.

Samantala, inihahanda na ng gobyerno ang tulong mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Facebook Comments