Pagsuko ni Maasim, Sarangani Mayor Jojo Lopez, patunay lang ng malawak na pag-iral ng narco politics sa bansa – Malakanyang

Manila, Philippines – Lalong lumakas ang loob ng pamahalaan sa paninindigan nito sa war on drugs.

Kasunod ito ng pagsuko ni Maasim, Sarangani Mayor Anecito “Jojo” Lopez na sinasabing drug lord sa kanilang lugar.

Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, dalawang bagay ang napatunayan sa pagsuko ni Lopez.


Aniya, patunay lang ito na malalim na talaga ang ugat ng problema sa droga at ng malawakang pag-iral ng narco politics sa bansa.

Matatandaang sumuko si Lopez nitong Biyernes (Oct. 6) nang lusubin ng PDEA, militar at mga pulis ang rest house nito.

Nakuha sa pag-iingat ni Lopez ang may limang milyong pisong halaga ng shabu at mga baril at pampasabog pati na rin ang listahan ng mga drug personalities.

Facebook Comments