Pagsuko ni Maasim, Sarangani Mayor Lopez, senyales na totoong talamak ang narco-politics sa bansa

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na ang pagsuko ni Maasim, Sarangani Mayor Ancieto Lopez Jr. ay patunay lamang na talagang malalim na ang narco-politics sa bansa.

Matatandaan na may nakuhang mga shabu at isang maliit na shabu laboratory equipment sa bahay ni Lopez nang ito ay sugurin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay ito na totoo ang mga inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na napasok na ng narco-politics ang bansa.


Binigyang diin ni Abella na ang tagumpay ng gobyerno sa laban sa iligal na droga ay nakasalalay sa suporta ng publiko at ng simbahan.

Facebook Comments