Pagsuko ni Sarah Discaya sa NBI, simula pa lang ng pananagutan sa flood control anomaly — DPWH Sec. Dizon

“Dapat lang.”

Ito ang tugon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon matapos sumuko sa NBI kahapon ang kontratistang si Sarah Discaya.

Ayon kay Dizon, nararapat lamang na sumuko at makulong si Discaya dahil sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan, partikular sa flood control. Isa umano si Discaya sa mga nakinabang sa malalaking kickback mula sa mga proyekto sa iba’t ibang rehiyon.

Samantala, nakatakdang magsampa ngayong linggo ng kaso ang Ombudsman laban sa “BGC boys,” na kinabibilangan nina dating DPWH District Engineer Henry Alcantara at Brice Hernandez, kaugnay ng anomalya sa flood control sa Bulacan.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bago mag-Pasko ay may makukulong nang sangkot sa mga substandard, ghost, at unfinished projects, kasunod ng isinagawang inspeksyon at imbestigasyon sa flood control anomaly.

Facebook Comments