Nagpapatuloy ang pagsusulong ng Nuclear Power Plant ng Special Committee on Nuclear Energy na pinangungunahan ng tanggapan ng ikalawang distrito ng Pangasinan sa kabila ng mabagal na pag-usad nito.
Bagamat nakitaan na mabagal pag-unlad nito ay marami naman din umanong mga oportunidad upang tuluyang maisakatuparan ang pagpapatayo ng Power Plant.
Handa namang mag-invest ang mga bansang Korea at China sa pagbuo ng nasabing planta, ayon mismo sa Chairman na si 2nd District Representative Mark Cojuangco.
Dagdag pa niya ang kanyang panawagan mismo sa Department of Energy na sana umano ay tumugon at kunin ang mga inilalatag na oportunidad para maisabatas at maisakatuparan ng tuluyan ang pagpapatayo nito sa bansa, at mapapakinabangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng mas mura, mas ligtas at abot kayang mapagkukunan ng kuryente.
Samantala, nagpapatuloy din ang paggulong ng batas sa pagbuo ng Philippine Atomic Regulatory Commission at tiniyak ang ilang pang partisipasyon ng mga ahensyang may kinalaman sa pagsusulong ng nasabing nuclear energy. |ifmnews
Facebook Comments