Isinagawa ang isang pagpupulong ukol sa pagsusulong ng kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga Senior Citizens sa lalawigan ng Pangasinan sa ginanap na Senior Citizens Symposium.
Bilang prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, isinusulong ang isang komunidad na kikilala sa programang pangkapakanan at karapatan ng mga senior citizens, gayundin ang kanilang kaligtasan at kalusugan.
Tinalakay din ang tungkulin ng bawat Federation of Senior Citizen’s Associations of the Philippines President, Office for Senior Citizen’s Affairs Head, at City/Municipal MSWDO sa kanilang mga nasasakupan.
Kabilang din sa usapin ang updates social pension and unconditional cash transfer ng DSWD, Philhealth Program/Universal Health Care at awarding of certificates sa mga OSCAHAP at FSCAP presidents. *|ifmnews *
Facebook Comments