Pinag-iigting pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga proyekto at programang makakatulong sa pag-unlad ng lalawigan.
Inilatag ang mga proyektong papayabungin pa, maging ang mga inihahanda nang ilunsad sa larangan ekonomiya, kalusugan, edukasyon, agrikultura, peace and order, turismo at kapakanang panlipunan para sa mga Pangasinense.
Kasama rito sa sektor ng ekonomiya ang pagsusulong ng Pangasinan East to West Expressway, sa Southern Part ng lalawigan na naglalayong hindi lamang para sa kaginhawaan ng mamamayan, gayundin ang kapasidad nitong makatulong ekonomiya ng lalawigan.
Sa larangan naman ng edukasyon ang pagtutok sa mga kabataan lalong lalo na ang mga out-of-school youths na mapabilang sa mga scholarship program at makakuha ng mga financial grants para sa pangtustos ng kanilang pag-aaral.
Nilalayon din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na patibayin pa ang healthcare system ng lalawigan sa pamamagitan ng pagtatayo ng makabagong healthcare program at facilities. Inaasahan ding makakapagpatayo ang mga hospital ng mga dialysis centers.
Naglatag din ang mga proyekto para sa pagpapayabong sa sektor ng agrikultura ng lalawigan. Palalaguin ang industriya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malaki at maraming oportunidad para sa mga magsasaka.
Alinsunod dito, papatakbuhin nang maayos ang Rice Processing Plants at muling bubuhayin ang Laoac Berry Farm.
Samantala, pagtitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na maisasakatuparan ang mga inihandang proyekto para sa kaunlaran ng lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments