Pagsulpot ng mga community pantries, patunay ng pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya at pagtulong sa mga nangangailangan

Saludo si Opposition Senator Leila de Lima sa mga Pilipino na nagkukusang tumulong sa kanilang kapwa na higit na nangangailangan ngayong may pandemya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga community pantry.

Ayon kay De Lima, ang pagkakaroon ng community pantry na sinimulan sa Maginhawa, Quezon City ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa mga Pilipino.

Lubos ang pasasalamant ni De Lima sa mga walang alintanang magbukas-palad sa harap ng kawalang aksyon at pagkukulang ng mga inaasahang tumugon sa krisis.


Giit ni De Lima, ang pagsulpot ng mga community pantries ay patunay ng pagkukulang ng suporta ng gobyerno sa mga Pilipino ngayong may pandemya.

Umaasa si De Lima na magtutulak ito sa pamahalaan na paghusayin ang pagtugon sa COVID-19 pandemic dahil bayanihan ang kailangan ngayon at hindi kapabayaan.

Magugunita na una ding inihain ni De Lima ang Senate Resolution 534 na nagsusulong ng pag-review sa mga polisiya at programa ng pamahalaan para solusyunan ang kagutuman at kasiguraduhan sa pagkain na ilang henerasyon ng nakakaapekto sa mamamayang Pilipino.

Facebook Comments