PAGSUMBONG SA KASO NG BULLYING SA MGA PAARALAN SA LA UNION, MAAARI NANG IPARATING SA PAMAMAGITAN NG QR CODE

Nakapaskil ngayon sa loob ng La Union National High School- Sacyud Annex ang tarpaulin na naglalaman ng QR Code upang direktang maisumbong ang anumang kaso ng pang-aabuso at bullying sa loob ng paaralan.

Ito ay sa ilalim ng Project Sagip SafeSpeak Platform na inilunsad ng La Union Schools Division Office ngayong Hulyo na may layuning makapagtatag ng ligtas at paaralan na malaya sa pang-aabuso.

Magkatuwang sa programa ang Kagawaran ng Edukasyon sa San Fernando City, La Union, lokal na pamahalaan at La Union Police Provincial Office (LUPPO).

Bukas ang programa hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati sa mga guro at iba pang stakeholders ng paaralan na dumaranas ng anumang kaso ng bullying at pang-aabuso.

Mayroon na rin itinalagang QR code sa iba pang pampublikong paaralan sa lalawigan upang agad maaaksyunan ang anumang reklamo.

Abiso ng awtoridad, huwag mag-atubiling lumapit sa mga awtoridad upang agad matuldukan ang anumang pang-aabuso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments