𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗠𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗠 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗦𝗞𝗘, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Muling ipinaalala ng pamunuan ng Commision on Elections o COMELEC ang obligasyong pagsusumite ng mga kumandidato para sa BSKE 2023 ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE maging ang ilan pang mga kinakailangan na dokumento na kabilang sa itinakdang kautusan ng kanilang tanggapan.

Sa lalawigan ng Pangasinan, naideklara na ng ilang mga lokal na pamahalaan ng bayan at lungsod ang nanalo sa naganap na halalang pambarangay at kasunod nito ay ang pormal nilang pagkakahalal pagkatapos ang tatlong linggong transition period ng mga outgoing barangay officials ng mga mahahalagang dokumento at inventories ng barangay sa mga bagong uupong opisyales.
May inilunsad naman na na QR Code ang pamunuan upang mas mapadali ang pag download ng mga SOCE Forms ng mga official candidates ng BSKE.

Samantala, sa darating na Nov. 29 ngayong taon ang deadline ng pagpasa nito sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan sila naghain ng kanilang kandidatura at wala ng inaasahang extension pa.
Ang hindi naman pagpasa sa naturang dokumento ay paglabag sa umiiral na election code at magbabayad ng kaukulang halaga bilang penalty sa pagpapasya ng Comelec. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments