Pagsunod ng mga employers sa OSH Law, dapat tiyakin ng DOLE

Pinapatiyak ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigpit na sumusunod sa Occupational Safety and Health (OSH) Law ang mga employers.

Ayon kay Villanueva, ito ay para matiyak ang proteksyon ng kalusugan ng mga empleyado laban sa Coronavirus.

Diin ni Villanueva, obligasyon ng mga pribadong kompanya na sumunod sa umiiral na labor standards sa bansa kabilang ang itinatakda ng OSH Law.


Giit ni Villanueva, dapat maging kaisa ng DOH ang DOLE sa mga hakbang para pigilan ang pagkalat ng Coronavirus lalo pa at mayroong nang kumpirmadong kaso nito sa bansa.

Kaugnay nito ay ikinatuwa naman ni Villanueva, ang agarang pagpapalabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng bulletin o abiso sa mga tanggapan nito sa iba’t ibang bansa.

Ito ay para paalalahanan ang mga pinoy sa ibayong dagat na mag-ingat para hindi madapuan ng coronavirus.

Facebook Comments