PAGSUNOD SA BAGONG PROTOCOL SA MULING PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE SABONG, HILING NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN

28

LINGAYEN, PANGASINAN – Hinikayat ni Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III ang mga cockpit owners/managers na sumunod sa mga inilabas na bagong protocol ng National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) matapos payagan ang pagbabalik operasyon nito sa ilalim ng Alert Level 2.

Ilan sa mga protocol ay ang 50% capacity para sa mga fully vaccinated lamang, kailangan na fully vaccinated din ang mga nagtratrabaho sa establisyemento, gagamit ng cashless payment at walang mangyayaring bayaran sa pamamagitan ng cash sa loob ng sabungan.

Muling naganap ang pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at kampo ng mga cockpit owners/managers kahapon.


Matatandaang una nang nagkaroon ng pagpupulong ang pamahalaang panlalawigan at cockpit operators noong nakaraang Biyernes, Disyembre 10. |ifmnews

Facebook Comments