Manila, Philippines – Isa-isang pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 144 na graduates ng Masidlak class of 2017 ng Philippine National Police Academy o PNPA.
Sa graduation kanina habang kinakamayan at ibinibigay ang mga diploma ng mga graduates ay sinasabi ni Pangulong Duterte sa mga graduates na laging alalahanin at itaguyod ang rule of law.
Ito ang ikinwento ng mga graduates ng PNPA kanina matapos ang seremonya habang iniinterview ng media.
Kwento naman ng top 1 na si Inspector Macdum Enca, natutuwa si Pangulong Duterte na maraming taga-Mindanao ang nagtapos ngayon sa PNPA.
Matatandaan na 7 sa top 10 ay mga taga-Mindanao at sa kabuuan naman ay ito na ang pinaka maraming Mindanaoan graduates ng PNPA.
Facebook Comments