PAGSUNOD SA BATAS TRAPIKO NG MGA TODA SA SAN CARLOS CITY, PINAIIGTING

Pinaiigting pa ang pagpapaalala ng awtoridad sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa San Carlos City ukol sa pagsunod sa mga batas trapiko.

Naglibot at nakipag dayalogo ang hanay ng pulisya sa mga tricycle drivers sa bahagi ng Barangay Roxas upang muling ipaalala ang mga batas trapiko at regulasyon ng kanilang pagpaparada.

Daan rin ito upang magkaroon ng pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng awtoridad at mga pampublikong sakayan upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy trapiko sa kalsada.

Bukod rito, patuloy ang pagsasagawa sa lungsod ng mga checkpoint operation.

Facebook Comments