PAGSUNOD SA BATAS TRAPIKO SA DAGUPAN CITY, MAS HINIGPITAN

Mas pinaigting pa ng hanay ng Public Order and Safety Office (POSO) ang pagbabantay upang matiyak na sumusunod ang mga motorista at pedestrian sa mga batas trapiko sa Dagupan City.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga POSO enforcer lalo na sa mga pangunahing kalsada ng lungsod.

Mariin ding ipinapaalala sa mga pedestrian ang paggamit ng mga pedestrian lane, habang pinaalalahanan naman ang mga motorista na sumunod sa mga traffic light.

Agad na sinusuway at binibigyan ng babala ang sinumang lalabag upang hindi na ito maulit.

May mga nakatalaga ring traffic enforcer sa mga posibleng lugar ng pagsisikip ng daloy ng trapiko upang masiguro ang maayos na paggalaw ng mga sasakyan sa lungsod.

Facebook Comments